‘Siya Nawa’
June 15, 2010 at 3:49 am 1 comment
I was checking my notes and clear books from my dusty old things in college. Then I was caught by my literary collections. I was reminded by my frustration to write short stories and poems. I would like to share how God changes my perspective of life by sharing how He transition my belief as you dug deeper and decode my writings. As Luke 6:45 (New Living Translation) says that “A good person produces good things from the treasury of a good heart, and an evil person produces evil things from the treasury of an evil heart. What you say flows from what is in your heart”. I was seventeen years old when I wrote this short story so I would like to share this as unedited as it is. I am not yet christian during that year. You can suggest and check my writing techniques, strategies and approaches but I hope that you will feel the way I long for a father’s love and character.
‘Siya Nawa’ by John Regie Anthony Jaminal November 24, 2003
“Sino nga ba ang lalaking iyon?” ang katanungang nakapagpatahimik sa akin at sa bawat sulok ng mataong bangketa sa kahabaan ng Recto. Sa kabila ng nag-uumapoy na init ng araw na pinalalamutian ng animo’y abo ng Pinatubo ang mga usok na mula sa mga tambutso ng mga ‘de-makinang pagong’ na sanhi ng trapiko ay matiyagang namamahagi ng mga mumunting papel na may kung anong nakatala ang lalaking yaon.
Hindi n’ya alintana ang mga pawis na nagmumula sa kanyaang katawan na kinatasan na ng pinalapot na maruming alikabok. Hindi mo mapapansin sa kanya ang pagod ngunit aagaw ng iyong atensyon ang lungkot at pangamba sa kanyang mga mata. Mababatid mong may mabigat siyang dinadala. Kung kaya’t napaisip ako kung anong mensahe mayroon sa mga mumunting papel.
“Huy! Sandali… Ano kaya iyon, ano?” usisa ko sa aking kasama.
“Ewan ko sa iyo?! Bakit mo tinatanong sa akin? aburidong sagot ng pagod at gutom kong kasama.
“Bakit mo ba siya iniisip? Ikaw ba? Iniisip niya? papilosong dugtong niya.
Hindi ko na siya sinagot at baka saan pa mapunta ang usapan. Bakit ko nga ba iniisip ang taong hindi naman ako iniisip. Pinakukumplikado ko lamang raw ang aking buhay. Ngunit nagpatuloy ako dahil kutob ko’y may halaga rin naman ang ang iniisip ng lalaking iyon. Mababakas sa kanyang mukha ang pagmamadali, pangamba, takot at lungkot. Aakalain mong ang “backpack” na kanyang tangan ay hitik sa mga mumunting papel na kanyang ipinamamahagi. Kapansin-pansin ngang hindi siya dapat sapitan ng dilim.
Nagtungo kami ng aking kasama sa Jollibee para ‘kargahan ng gasolina’ ang kumakalan naming mga tiyan.
“Gusto ko ng Chicken Joy at French Fries na may maraming Ketchup.”
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay namataan kong muli ang lalaking kanina pang pabalik-balik na nag-aabot ng mga mumunting papel. Pumasok siya sa loob ng Jollibee at naisip kong sa wakas ay tinablan rin ng gutom ang lalaking ito. Ngunit mali yata ako, lumapit siya sa Manager at inabot ang mumunting papel. Agad na pumasok ang Manager sa opisina at dagling bumalik kasabay ang pag-abot ng perang tiniklop. ‘Di kami kalayuan kaya’t nasaksihan ko ang pagpapasalamat ng nangingilid na mga luha ng kasiyahan at pag-asa mula sa mga mata ng lalaki.
“Nakapagtataka… nanlilimos lang pala… Kaya pala….”
Ngunit wala sa itsura, tindig at kilos niya para akalaing namamalimos lamang siya?
Binasag ang mga katanungan ko sa aking isip nang siya na mismo ang lumapit at nag-abot sa akin ng mumunting papel.
“Ipagpaumanhin po ninyo…” mababang sambit ng lalaki na inaabot ang papel.
Batid ko ang uhaw sa kanyang lalamunan kung kaya’t inalok ko muna siya ng inumin at sa hindi namamalayang kilos ko ay napabuntong hininga ako bago ko simulan ang pagtuklas sa hiwaga ng mga mumunting papel na umagaw ng aking pansin.
Nagkamali ako, walang hiwaga ang papel at katulad lamang din ito ng mga ordinaryong piraso ng papel. Ngunit ang batang si Emmanuel-ang kanyang anak ang nangangailangan ng hiwaga, ng milagro, ng himala. Nakatala ang mga maliliit na letra sa mumunting papel ang panawagan ng isang bata na nagnanais na maipagamot ang sakit na “Hydrocephalus at Congenital Heart Decease” ng tatlong taong gulang na si Emmanuel. Dinurog ng munting papel ang puso ko dahil sa mga letra na inisa-isa ng mga mata ko.
Marapat lamang na hindi siya abutin ng dilim ng gabi sa daan dahil kung hindi ay baka sumapit sa kanya ang pagdilim ng liwanag ng kanyang pamilya.
Inabot ko ang sukling barya at nilamukos ng patago ng kinuyom kong mga daliri ang resibo ng Chicken Joy.
Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espirito ng awa. Siya nawa.
I wrote this short story to remind me of how long a father could go for his child. It was a fantasy, a fictional story since I really do not know how or where could a father go for his child. Until God himself started to make my very first bible verse that i ever memorized as real as He is to me- “For God loved the world so much that he gave his one and only Son, so that everyone who believes in him will not perish but have eternal life. John 3:16 (New Living Translation)
“Ohhh He is so fond of me to give up Jesus that He may have me…”
Entry filed under: Uncategorized. Tags: .


1. Siya Nawa « Nailed it to hands | May 22, 2011 at 10:17 am
[...] Siya Nawa [...]